Daddy

Dad like no other.

Wala nang tatanyag
Sa DAD na bansag
Mula nang ako’y paslit
Laging binabanggit
Nang magkamuwang
Hanap ay si DAD lang.
Sa kabila ng paghihigpit
Walang isang saglit
Mga bilin mo’y nawaglit
Sa aking bait.
Sa tuwina’y nakasandal
Sa haligi ng pagmamahal
Sa oras na mapalayo
Matuwid pa rin akong tatayo
Magmalaki man ako sa mundo
Munting paslit pa rin ako
ng DADDY ko.

….for my Dad, on Father’s Day 2010.